Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang state necrological tribute para kay Bienvenido “Bien” L. Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Iginawad kay Ka Bien ang Orden ng Pambansang Alagad ng Sining noong taong 2006 para sa kanyang malawak na kontribusyon sa larangan ng panitikan, araling pangkultura at pelikula.